Home NATIONWIDE 31 kaso ng cyber bullying naitala ng QC government sa mga paaralan

31 kaso ng cyber bullying naitala ng QC government sa mga paaralan

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City government na aabot sa 31 kaso ng cyber bullying ang naitala sa mga paaralan nitong nakalipas na taon.

Ayon kay Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla  sa 31 kaso ng  student bullying sa mga paaralan 90 prrcent sa mga kaso nito ay nalutas at maayos nabigyan solusyon ng mga opisyal ng paaralan ng lungsod.

Sa ginanap na QC Journalist Forum kanina Hulyo 14 (Martes) sinabi ni Coun. Medalla na karamihan sa mga kaso ng  cyber bullying ay naganap sa paaralan na agad naman daw nabigyan ng kaukulang solusyon ng mga school administrator.

“Karamihan sa mga kaso ng cyber bullying na naitala ng pamahalaang lungsod ay sa mga eskuwelahan” sabi ni Medalla.

Idinagdag pa ani Medalla tuloy tuloy naman ang isinasagawang koordinasyon ng QC city government  sa mga  school administrator sa mga kaso ng bullying.

“Tuloy tuloy ang koordinasyon natin (QC government) sa mga school administrator para matigil ang bullying” dagdag pa ni Medalla.

Samantala kaugnay nito sinabi naman ni PLT. Tyrone Josh Collantes Intel/Admin QCDACT  mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang cyber bullying at may katapat itong kaso at kaparusahan.

Ayon pa kay PLT. Collantes karamihan ng mga kaso ng cyber bullying ay nagaganap sa social media at gaming platform.

“Most of the time  ang mga kaso ng cyber bullying ay nagsisimula samga social media at gaming platform” sabi ni PLT. Collantes.

Kaugnay nito sinabi ni Medalla upang maiwasan ang mga cyber bullying sa mga eskuwelahan mahigpit na ipinagbabawal ng QC Government ang paggamit ng mga electronic device gaya ng cellphone at laptop sa loob ng mga eskuwelahan sa oras ng klase ng mga estudyante. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here