MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga kalsada na sarado sa mga motorista dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa 32 road sections na ang hindi madaanan.
Partikular ang apat na kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), dalawa sa Region II, dalawa sa Region III, anim sa Region IV-A, 17 sa Region V at isa sa Region VII dahil sa pagguho ng lupa, pagbaha, landslide, bumagsak na puno, bato, debris at tulay.
Limitado naman sa mga maliliit na sasakyan ang 14 road sections: isa sa Region III, apat sa Region IV-A, at siyam sa Region V dahil sa soil/rock collapse, road collapse, at pagbaha.
Lahat ng national roads at tulay sa iba pang apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan sa ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden