Home NATIONWIDE 18 bodyguards, dumating sa Senado, pero humarap kay Robin

18 bodyguards, dumating sa Senado, pero humarap kay Robin

1
0
larawan ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hindi dumalo ang 18 bodyguards ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa isinagawang organizational at consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Erwin Tulfo.

Sa pagpapatuloy ng pulong, dumating ang 18 bodyguards na itinuturong din ni Senador Raffy Tulfo na “kargador” ni Co, sa Senado ngunit tumuloy sa tanggapan ni Senador Robin Padilla.

Dahil dito, inimbitahan ni Tulfo ang naturang bodyguards upang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pulong sa halip na magsalita sa isang press conference.

“Napagalaman natin na dumating sa Senado ang 18 bodyguards pero hindi dumalo dito, kundi dumiretso sa tanggapan ni Senador Robin Padilla,” ayon kay Tulfo.

Kasabay nito, hinikayat din ng ibang senador ang 18 bodyguards na dumalo sa pagdinig upang linawin din ang paratang na tumanggap si dating Senate President Vicente Sotto III ng ilang maleta ng pera mula kay Co.

Ayon kay Sotto, walang katotohanan ang paratang ng 18 bodyguards sa ginanap na pagdinig ng Senate blue Ribbon Committee ni Senador Pia Cayetano na tumanggap siya ng maleta dabil bindi pa siya senador noong 2024.

Pinabulaanan din ni Sotto na isang Mark na pawang executive assistant nito ang personal na tumanggap ng maleta sa isang gusali nito sa Baclaran.

“Unang-una, wala akong gusali sa Baclaran, at iyong sinasabing Mark na tumanggap ng maleta ay namatay noonpang 2015,” ayon kay Sotto.

Sa kabilang dako, inatasan ni Tulfo ang committee secretary na imbitahan ang 18 bodyguards na kasalukuyang nagsasagawa ng press conference sa tanggapan ni Padilla. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here