Home METRO 3 nasawi sa Soccsksargen sa M7.8 lindol

3 nasawi sa Soccsksargen sa M7.8 lindol

3
0

GENERAL SANTOS, Philippines – Hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi at apat ang nasugatan sa Soccsksargen matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng Police Regional Office 12 (PRO 12) noong alas-10:50 ng umaga, pawang mga sibilyan ang mga nasawi at nasugatan.

Naitala rin ng mga awtoridad ang pinsala sa 20 istruktura sa rehiyon, kabilang ang 14 na komersyal na establisimyento, 2 paaralan, 2 ospital, at 2 bahay

Bukod dito, 26 na lugar ang nakaranas ng pagkawala ng kuryente, habang may isang lugar na naapektuhan ng pagguho ng lupa.

Bilang tugon sa sitwasyon, nagdeploy ang PNP ng 500 pulis at 23 sasakyan para sa mga operasyon sa rehiyon.

Sa bilang na ito, 390 pulis ang nakatalaga sa search, rescue, at retrieval operations; 100 pulis ang nagbabantay sa mahahalagang pasilidad; at 10 personnel mula sa Women and Children Protection Center.

Mayroon ding 150 pulis na naka-standby para sa karagdagang pagtugon sa mga apektadong lugar.

Patuloy ang pagmomonitor ng mga awtoridad habang nararanasan pa rin ang mga aftershock sa ilang bahagi ng Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here