MANILA, Philippines – Nasa 32,155 na mga pasahero na ang namonitor ng Philippine Coastguard (PCG) mula 12 am hanggang 6 am sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Lunes Santo, Abril 14.
Sa advisory, inihayag ng PCG, na 15,941 ang passenger outbound habang 16,214 ang inbound.
Nagdeploy na rin ang PCG ng 4,032 ng Frontline Personel sa labing anim na coast guards district at station nito.
Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, isinailalim naman ang sa pag-inspeksyon ng PCG ang 308 vessels at 68 motorbancas para sa kaligtasan ng biyahe sa karagatan.
Ayon sa PCG, nakataas parin ang kanilang District, Station, at Substation, sa Heightened Alert simula Abril 13, hanggang 20, ng taong kasalukuyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden