Home NATIONWIDE Masbate election candidates na gumamit ng emergency alert system pinagpapaliwanag ng Comelec

Masbate election candidates na gumamit ng emergency alert system pinagpapaliwanag ng Comelec

MANILA, Philippines – Naglabas na ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec), na humihiling sa apat na kandidatong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa lalawigan ng Masbate na ipaliwanag ang umano’y paggamit nila ng emergency alert messaging system na naglalaman ng “political advertisements” o “election propaganda.”

Ang apat na indibidwal ay kinabibilangan nina Masbate gubernatorial candidate Ricardo Kho, Vice gubernatorial candidate Fernando Talisic, Masbate City mayoral candidate Olga Kho, at Masbate 2nd District Rep. Elisa Kho, na naghahangad na makakuha ng congressional seat para sa paparating na botohan.

Batay sa mga dokumentong inilabas ng Comelec noong Linggo, ang umiikot na mensahe ay naglalaman ng mga sumusunod na detalye:

“Emergency Alert: Extreme

Vote!RICHARD KHO for Governor

Vote!FERNANDO ‘ANDOT’ TALISIC for Vice Governor

Vote!ELISA ‘OLGA’ KHO for 2nd District Representative

Vote! ARA OLGA KHO for City Mayor”

Iginiit ng Comelec na maaari rin itong maging election offense sa ilalim ng Sec 261(z)(11) ng Batas Pambansa Blg. 881, o kilala bilang Omnibus Election Code. Jocelyn Tabangcura-Domenden