MANILA, Philippines – NAGTALAGA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang mga frontliners sa pangunahing international gateway ng bansa bunsod na din ng mahabang bakasyon kasabay ng pagdiriwang ng Semana Santa.
Inanunsyo ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na mahigit 40 karagdagang immigration officers at acting immigration officers ang naka-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga internasyonal na pasahero.
“We have fielded a total of 48 immigration frontliners at NAIA alone to ensure that all immigration counters are fully manned during peak arrival and departure hours,” ani Viado.
“This is part of our commitment to deliver swift and seamless service to the traveling public,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi ng BI Chief na ang mga immigration personnel mula sa iba’t ibang opisina sa Metro Manila ay inatasan na tumulong sa mga operasyon sa paliparan bunsod na din ng mahabang bakasyon o long weekend.
Sa ilalim ng kanyang bagong ipinatupad na direktiba, lahat ng entry level immigration officers at acting immigration officers ay kinakailangang magbigay ng rotational airport duties.
“Our frontliners are under strict orders to provide efficient, courteous, and professional service at all times,” ayon kay Viado.
“This operational surge is aligned with the President’s call for improved government services, especially in high-traffic areas such as our airports,” dagdag pa ng opisyal.
Gayunpaman, pinaalalahanan ni Viado ang mga manlalakbay na makarating sa paliparan nang mas maaga sa panahon ng bakasyon dahil inaasahan nila ang mataas na bilang ng mga biyahero.
“We urge the public to be at the airport at least three hours before their scheduled flight to allow ample time for immigration and security checks,” ani Viado.
Inaasahan aniya nila ang humigit-kumulang 50,000 manlalakbay kada araw sa panahon ng peak season. JAY Reyes