Home NATIONWIDE Drayber patay, 2 pahinante kritikal sa karambola ng 8 sasakyan

Drayber patay, 2 pahinante kritikal sa karambola ng 8 sasakyan

MANILA, Philippines – DEAD on arrival sa pinakamalapit na hospital ang driver ng delivery truck, samantalang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa nitong pahinante at tatlong babae ang sugatan matapos na mawalan ng preno at bumangga sa poste ng footbridge na naging sanhi ng karambola ng walong sasakyan, kagabi, Abril 13 sa National Road ng Barangay Real at Crossing Barangay Uno sa lungsod ng Calamba, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Jowel Balanac, 40, ng Barangay Kanluran Palale, Tayabas, Quezon, samantalang sugatan naman ang dalawa nitong helper na sina Ronel Rato Quinto 42, at Ryanel Buela, nasa hustong gulang, may-asawa, kapwa naninirahan sa Barangay Mateuna at Lacauan, Tayabas, Quezon.

Samantala, kabilang din sa nagtamo ng sugat sina Lea Wang Panao, 37, Ellen Alterado Cai, 43, ng Muntinlupa at Marie Grace Entera Castanos, 48, ng Gen. Trias, Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Calamba City Police Station hinggil sa naganap na insidente dakong alas- 11:56 kagabi, habang tinatahak ng Isuzu Dropside na may plakang TCS- 721 na naglalaman ng sako-sakong kopra na minamaneho ng nasawi (Balanac) nang biglang mawalan umano ito ng preno na humantong sa karambola ng walong ibat-ibang klase ng sasakyan kabilang ang minamaneho ng nasawi na bumangga sa poste ng footbridge.

Napag-alaman na, kabilang sa mga sasakyang napinsala ang Fuso Wing Van na may plakang NEO -1419, Isuzu Jeepney na may plakang DX- 8446, Mitsubishi Adventure with plate number NAS- 5087, Toyota Vios na may plakang DAPP- 3726, Yamaha Sniper na may plate number 898- DCC, Toyota Innova na may plate number PIM- 870, at Ford Territory na may plakang NFF- 4084.

Nabatid sa ulat na ang biktimang nasawi ay dead on arrival sa J.P. Rizal Hospital subalit idineklarang dead on arrival ang drayber ng Isuzu Dropside kung saan ang bangkay ni Balanac (nasawi) ay sasailalim sa autopsy examination upang malaman ang ikinasawi nito. Ellen Apostol