MANILA, Philippines – Pangungunahan ng Philippine Army (PA) ang 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Armies Rifles Meet (AARM) na itinakda mula Nobyembre 12 hanggang 23, 2024.
Ito ay kasunod ng comprehensive inspection ng mga representative ng participating nations sa mga pasilidad na gagamitin sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac, na magiging venue ng kompetisyon.
“Representatives from participating ASEAN armies inspected the newly refurbished Grandstand as well as the shooting ranges at the Marksmanship Training Center (MTC) in Camp O’Donnell,” saad sa pahayag ni PA spokesperson Col. Louie Dema-ala nitong Miyerkules, Hunyo 26.
Ang tema ngayong taon para sa AARM ay “Strengthening Partnership and Camaraderie Towards Regional Stability”, na nagpapakita ng kahalagahan ng shoot fest bilang isang cultural and diplomatic landmark.
Inendorso rin ng mga representatives ang Rule Book na mangangasiwa sa shooting competition at maglalatag ng mga agenda at iba pang requirements para sa ASEAN Chiefs of Army Multilateral Meeting (ACAMM) at ASEAN Army Sergeant Majors Annual Meeting (ASMAM). RNT/JGC