Home NATIONWIDE 3,300 Pinoy seafarers payag pa ring maglayag sa mga delikadong katubigan sa...

3,300 Pinoy seafarers payag pa ring maglayag sa mga delikadong katubigan sa gitna ng rebel attack

176
0

Hindi bababa sa 3,300 Filipino seafarer ang nagpahayag ng kanilang pagpayag na maglayag sa mga lugar na may mataas na peligro sa gitna ng mga pag-atake kamakailan ng mga rebelde, sinabi ni Secretary Hans Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes.

Ang tugon ni Cacdac ay makaraang tanungin ng OFW Party-list Rep.Marissa Magsino tungkol sa mga update sa mga patakaran ng DMW sa mga marino na sakay ng mga barkong naglalayag sa mga lugar na may mataas na peligro.

Kabuuang 22 Filipino seafarers ng MT Sounion ay napauwi kamakailan pabalik sa Pilipinas matapos ang pag-atake na inilunsad ng mga rebeldeng Houthi sa Dagat na Pula, na nag-iwan ng sunog sa barko at walang suplay ng kuryente.

Sinabi ni Cacdac sa House appropriations panel sa deliberasyon ng budget sa panukalang P7.8 bilyong budget ng ahensya para sa 2025 na mayroon tayong kalayaan sa paglalayag…isang matagal nang maritime freedom na ginagamit pa rin ng ilang may-ari ng barko at marino.

Aniya, base sa datos, mula nang simulan na subaybayan ang mga Marino na dumadaan sa nasabing ruta mula sa pagsisimula ng taon, nasa 3,300 na ang nagparegiatro at nagpahayag ng kanilang kagustohan na maglayag o hindi tumanggi sacpagalyag sa mga barking dadaan sa mga high-risk areas.

Sinabi ni Cacdac na ang DMW ay nagpatupad na ng mga patakaran na nagbibigay-daan sa mga Pilipinong marino na madaling gamitin ang kanilang karapatan sa pagtanggi sa pamamagitan ng mga mada-download na form, probisyon ng isang hotline o verbal na pagpapakita ng kanilang karapatan ng pagtanggi.

Dagdag pa rito, sinabi ni Cacdac na ang DMW ay nagpataw ng mga paghihigpit sa mga Filipino seafarers na maglayag sa mga lugar na may mataas na peligro.

Paliwanag ni Cacdac, kung ang isang partikular na may-ari ng barko na may Filipino seafarers ,ayon sa kanilang talaan ay naging target ng hindi bababa sa 40 attacks ay hindi na papayagan pang sumakay sa naturang barko ang mga Marino.

Pinagbabawalan na rin aniya ang mga Filipino seafarers na sumakay sa siyam na may-ari ng barko na naglalakbay sa Red Sea at Gulf of Aden dahil ang mga may-ari ng barkong ito ay nakaranas na ng pag-atake.

Sinasaklaw ng siyam na may-ari ng barko ang tatlong malalaking kaso gaya ng barkong na-hostage sa daungan ng Hodeida, Yemen, ang insidente kung saan namatay ang dalawang Filipino seafarer, at isa pang insidente kung saan nawawala pa rin ang Filipino seafarer, ani Cacdac.

Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi bababa sa 70% ng mga barko ang inilihis ang kanilang mga ruta upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tripulante batay sa datos mula sa international shipping community.

Ayon kay Cacdac, naglalayag ang mga barko sa pamamagitan ng Cape of Good Hope sa Africa.

“It’s an additional 15 to 20 days of voyage time, but still, it’s worth the safety and security of our seafarers,” dagdag pa ni Cacdac.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here