Home NATIONWIDE PAF plane ipangsusundo kay Teves

PAF plane ipangsusundo kay Teves

MANILA, Philippines – Malapit nang maibalik ng bansa si dating congressman Arnolfo Teves Jr. mula Timor-Leste.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sa buwan na ito ay uusad na ang extradition process pag-alis ni Pope Francis sa Timor-Leste sa September 11.

Inihayag ni Remulla na hindi na sila gagamit ng private plane para ibalik sa Pilipinas si Teves.

Nag-usap na ang DOJ at ang militar para magamit ang eroplano ng Philippine Air Force.

Nitong nakaraang taon tumakas sa Pilipinas si Teves matapos matukoy na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong March 2023.

Ibinasura ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang apela ni Teves na manatili sa naturang bansa. Teresa Tavares