MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na tinakpan ng sako ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Kumba Road, Barangay Alingaro, General Trias City, Cavite nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 4.
Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-7:03 ng umaga nang natagpuan ang biktima na inaalam kung ito ay biktima ng salvage o itinapon lang ang katawan sa lugar upang ilihis ang gagawing imbestigasyon sa kaso.
Batay sa nakakita sa bangkay na dumaan sa naturang lugar, napansin niya ang isang bagay na natatakpan ng sako na may bahid ng dugo sa gilid lamang ng kalsada.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng backtracking ng pulisya sa mga CCTV na makakapagturo sa totoong nangyari sa biktima at kung ano ang naging motibo sa pagpatay. MARGIE BAUTISTA