Home METRO Akusado sa pagnanakaw nalaban, dedbol

Akusado sa pagnanakaw nalaban, dedbol

1
0

ILOCOS SUR-Kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Sitio Lipay, Urzadan ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Hunyo 4.

Ayon sa Suyo Municipal Police Station, ang nasawi ay residente ng Urdaneta City, Pangasinan.

Ang naturang lalaki ay nahaharap sa kasong Theft, na may inirekomendang piyansa P40,000.

Kasalukuyan isinisilbi ng mga personnel ng Suyo MPS ang warrant of arrest nang bigla itong manlaban.

Bumunot umano ng baril ang akusado at dalawang beses na pinaputukan ang mga pulis ngunit walang tinamaan.

Napilitan naman gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang akusado.

Isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Tagudin, Ilocos Sur ang akusado for emergency treatment.

Gayunman, ang akusado ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here