Home NATIONWIDE Doktor na may tama ng bala, natagpuang-patay sa loob ng sasakyan

Doktor na may tama ng bala, natagpuang-patay sa loob ng sasakyan

MANILA, Philippines – Natagpuang-patay ang 36-anyos na doktor sa loob ng sasakyan sa Naga City, Camarines Sur nitong Linggo, Pebrero 16.

Sa report, kinilala ng Naga City police ang biktima na si Dr. Rajean Monette Romualdez na may tama ng bala ng baril sa ulo sa loob ng sasakyan sa Barangay Concepcion Pequeña bandang 4:20 ng hapon.

Hindi naman tinukoy ng pulisya kung pagmamay-ari ng doktor ang naturang sasakyan.

Si Romualdez ay nagtatrabaho sa Bicol Medical Center sa Naga City. RNT/JGC