Home HOME BANNER STORY 34,000 bagong silid-aralan, ipagagawa ngayong taon – DepEd

34,000 bagong silid-aralan, ipagagawa ngayong taon – DepEd

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes na sisimulan ngayong taon ang konstruksyon ng mahigit 30,000 silid-aralan bilang hakbang para mabawasan ang matagal nang classroom shortage sa bansa.

Ayon kay Angara sa pagdinig sa budget ng Kongreso, nasa 34,000 classrooms ang nakatakdang itayo—18,000 sa ilalim ng Department of Education (DepEd) at 16,000 sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPP).

“This is the biggest attempt to make a dent… to improve upon the classroom deficit,” ani Angara. Sinabi rin niyang “really making an effort to solve this years-old problem” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tinatayang nasa 140,000 classrooms ang kakulangan sa bansa. Nauna nang nangako si Marcos na magtatayo ng 40,000 classrooms upang matugunan ito.

“We have around P60 billion for… new classrooms,” sabi ni Angara.

Noong Hulyo, sinabi ng DepEd na P49.8 bilyon mula sa P67.9 bilyong inilaan ngayong taon para sa classroom construction ang na-mobilize na.

Nagbabala naman ang Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na maaaring lumala pa ang classroom shortage. Pagsapit ng 2028, tinatayang 51,222 classrooms ang aabot na sa 50 taon o higit pa at maaaring kailanganing palitan o ideklarang hindi na ligtas gamitin. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here