MANILA, Philippines – Karamihan sa maga nasugatang deboto ay itinatakbo sa medical tent ng Department of Health.
Ayon sa DOH, bago mag alas-12 ng tanghali ay nasa 344 na deboto na ng Poong Jesus Nazareno ang nasa mga DOH medical tent na nakapwesto sa ruta ng andas.
Mga sugat ang karaniwang kaso ng mga debotong nangailangan ng tulong, bukod pa sa mga nahilo at nanghina.
Nakahanda ang lahat ng DOH medical tents sa kani-kanilang pwesto na malapit sa ruta ng andas para sa mga mangangailangan ng tulong.
Nauna nang sinabi ng DOH na nasa 20 medical first aid stations ang kanilang itinayo na tutulong sa mga deboto na kailangan ng emergency.
Sinabi ng DOH na ang maagap na koordinasyon, sapat na prepositioning ng mga medical personnel at kagamitan at tuloy-tuloy na monitoring ang susi para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng malaking pagtitipon.
Nananatiling nakaapekto ang DOH hanggang sa ligtas na matapos ang Traslacion. Jocelyn Tabangcura-Domenden