MANILA, Philippines – Tinatayang 681,650 deboto ang lumahok sa Traslacion ngayong taon, ayon sa Quiapo Church Command Post nitong Biyernes ng hapon, Enero 9.
Hanggang alas-12 ng tanghali, sinabi ng simbahan na 487,000 ang nasa Ayala Boulevard habang 194,600 naman ang nasa Quiapo.
Samantala, mayroon namang 50 ang nasa Quirino Grandstand.
Sa huling ulat, nasa northbound area na ng Quezon Boulevard corner Arlegui Street ang Traslacion. RNT/JGC