MANILA, Philippines – Minarkahan ng Navotas City ang ika-18 cityhood anniversary nito sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement, kasama ang 35 bagong scholars at pagkilala sa 272 graduates mula sa NAVOTAAS Institute.
Pormal na ginawa ni Mayor John Rey Tiangco ang scholarship grants para sa School Year 2025–2026 sa isang ceremonial MOA signing kasama ang bagong batch ng NavotaAs scholars.
Kabilang sa grupo ang 15 high school scholars, pitong qualified para sa Navotas Polytechnic College, isang merit awardee, dalawa sa ilalim ng teacher scholarship program, at 10 beneficiaries ng Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship.
“More than just financial aid, what we aim to give is hope,” ani Mayor Tiangco.
“We believe education is a tool for success and a key that opens the door to your dreams. This MOA is not just a contract—it’s a shared vision for a Navotas with more professionals, empowered youth ready to lead and serve, and families with the means to thrive,” dagdag niya.
Samantala, 272 trainees ang nakatanggap ng kanilang certificates matapos makakumpleto ang various tech-voc courses na inalok ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Kabilang sa mga nagtapos ang 47 completed Bread and Pastry Production NC II; 20, Food and Beverage Services NC II; 24, Automotive Servicing NC I; 22, Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II, 20, Housekeeping NC II; at 43, Barista NC II.
Ang Language at culture classes ay nagkaroon din ng mataas na partisipasyon, kung saan 33 ang nagtapos ng Japanese at 63 nakatapos ng Korean.
Binigyang-diin ni Cong. Toby Tiangco ang epekto ng edukasyon at skills training sa pagpapasigla ng pamilyang Navoteños.
“Education and skills are the foundation of development—not just for individuals, but for the entire city,” ani Cong. Tiangco.
“Through scholarship and training programs, we open doors for more Navoteños to build better lives and contribute to the continued growth of our city,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Mayor John Rey Tiangco ang pinagsamang diskarte ng lungsod sa kabuhayan at mga serbisyo ng Navotas City Hanapbuhay Center at Public Employment Service Office (PESO).
Ang mga tanggapang ito ay nag-aalok ng capital assistance, business support, at job placement services para sa mga nagtapos at naghahangad na mga negosyante.
“Even now, we are planning new courses to meet the evolving demands of industries,” pahayag ni Mayor Tiangco.
“Our goal is for every Navoteño family to have at least one member employed or running a business,” aniya.
Naging lungsod ang Navotas sa pamamagitan ng Republic Act No. 9387, na nilagdaan bilang batas noong March 10, 2007. Jojo Rabulan