Home NATIONWIDE DOH, DepEd naglunsad ng health assessment sa higit 2,600 Grade 1 students...

DOH, DepEd naglunsad ng health assessment sa higit 2,600 Grade 1 students sa Davao

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang libreng school-based health assessments kung saan makikinabang ang mahigit 2,600 Grade 1 pupils sa buong Davao region.

Ang joint initiative ay inilunsad sa ilalim ng “Assessment for Better Development: Tutukan ang Early Detection para Bawat Bata Malusog!” campaign na sinimulan noong Hunyo 29 sa san Roque Central Elementary School sa Obrero, Davao City.

Layon ng kampanya na matukoy ang maagang senyales ng development delays o health issues sa mga school children tulad ng hearing at vision problems, dental issues at nutritional deficiencies –upang paganahin ang napapanahong interbensyon na sumusuporta sa parehong kalusugan at akademikong pagganap.

Kabilang sa mga serbisyong medikal na ibibigay sa assessment ay:

-General physical exams
-Vision and hearing screenings
-Dental checkups
-Ear care
-Deworming

Isasagawa sa walong piling elementary schools ang school-bases health assessments sa buong Hulyo na target ang higit sa 2,6000 bata sa buong rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden