Home NATIONWIDE 35 Chinese aircraft naitala sa paligid ng Taiwan

35 Chinese aircraft naitala sa paligid ng Taiwan

TAIWAN – Inihayag ng defense ministry ng Taiwan na naitala nito ang nasa 35 Chinese military aircraft sa paligid ng naturang bansa sa loob ng 24 na oras.

Ang Taiwan ay inaangkin ng China bilang bahagi ng teritoryo nito.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay naglunsad ng military drills ang China sa Taiwan kasunod ng inaugurasyon ni Taiwan President Lai Ching-te, na tinawag ng Beijing bilang “dangerous separatist”.

Sa naturang drill, nagpadala ang Beijing ng 62 military aircraft sa paligid ng Taiwan sa pinakamataas na single-day total ngayong taon.

Nitong Huwebes, sinabi ng defense ministry ng Taiwan na naitala nito ang 35 Chinese military aircraft at pitong naval vessels sa paligid ng isla. RNT/JGC