MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 35 barko ng China ang namataan sa mga feature ng West Philippine Sea sa nakalipas na linggo, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Mayo 12.
Sa update, sinabi ni AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nakita sa WPS features ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) mula Mayo 4 hanggang 11:
Ayungin Shoal – pitong barko (isang PLANs, anim na CCGs)
Bajo de Masinloc – 17 barko (walong PLANs, siyam na CCGs)
Escoda Shoal – limang barko (tatlong PLANs, dalawang CCGs)
Pag-asa Islands – anim na barko (tatlong PLANs, tatlong CCGs)
Noong Abril, nasa kabuuang 62 Chinese vessels naman ang namataan sa mga nabanggit na lugar. RNT/JGC