BICOL, Philippines – Umaabot sa 35 katao ang naaresto ng Police Regional Office 5 (PRO-5) sa sunod-sunod na anti-illegal drug operations sa loob ng isang linggo sa Bicol Region mula Marso 23 hanggang 29.
Ayon kay Brig. Gen. Erosito Miranda, acting director ng PRO-5, nasamsam sa 29 operasyon ang 12.80 gramo ng marijuana at 839.45 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na humigit-kumulang ₱5.7 milyon.
Kabilang sa mga naaresto ang tatlong high-value targets at 32 street-level suspects, at kabuuang 38 kaso na ang isinampa laban sa kanila.
Sinabi ng PRO-5 na patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa illegal na droga sa rehiyon. RNT/MND