Home NATIONWIDE 35 patay sa pag-araro ng sasakyan sa Tsina; driver tuliro sa diborsyo

35 patay sa pag-araro ng sasakyan sa Tsina; driver tuliro sa diborsyo

155
0

ZHUHAI, China (AP) — Isang lalaking nagmamaneho na sinasabing balisa bunsod ng kanyang divorce settlement ang sumuwag sa isang grupo ng tao na kasalukuyang nag-eehersisyo sa isang sports complex sa southern China, na ikinasawi ng 35 at maraming malubhang nasugatan.

Sa kabila ng mahigpit na censorship sa Tsina, kumalat pa rin sa social media ang bidyo ng pag-araro ng sasakyan sa mga biktima kung saan agad ding naaresto at nakulong ang suspek na 62-anyos.

Sa bidyo, makikitang nakahiga ang dose-dosenang mga tao  sa track sa sports complex, na regular na ginagamit ng daan-daang residente para tumakbo, maglaro ng soccer o sumayaw.

Bukod sa 35 katao ang namatay, sinabi ng pulisya na 43 ang nasugatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here