TINANGHAL si Carl Hilario ng Aklan bilang most bemedalled para swimmer sa ikalawang araw sa Para Swimming competition sa ginaganap na 8th Philippine National Para Games 2024 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Complex.
Si Hilario, na isang PNPG first-timer, ay nakolekta ang tatlong gintong medalya na isa sa men’s 100m freestyle S14 noong Lunes, at dalawang gintong medalya nitong Martes ng umaga sa pagwawagi sa men’s 200m freestyle S14 at men’s 100m butterfly S14 class.
Si Carl ay isang ipinagmamalaking student-athlete sa Kalibo Integrated Special Education Center sa Kalibo, Aklan.
Itinala ni Hilario ang mga oras sa Men 200m freestyle S14 (2:31.80), Men 100m Butterfly (1:21.31) at sa Men 100 Freestyle S14 (1:04.5).
Matagumpay namang nasungkit ni Arvin Dialino ng Antipolo ang kanyang ikatlong PNPG gold medal ngayong taon matapos maghari sa men’s shot put – F40/F41 class sa PhilSports Track Oval sa Pasig City.
Ang klasipikasyon ni Dialino na F40/F41 ay may mas maikling pangangatawan o may dwarfism.
Gumawa ang 38-anyos na si Dialino ng golden effort na 5.22 meters, na sinundan ni Manolito Parica ng Pangasinan na may 4.41m, habang si Ronald Lacuata ng Team Baguio ay nanirahan sa bronze na may 2.93-meter performance.
Nakasisid din si Justine Oliveros ng Laguna ng dalawang ginto sa pagwawagi sa Men 100m Butterfly S8-9-10 sa (1:42:59) at Men 400m freestyle S8910 (6:20.73m).
Nagsipagwagi naman ng mga gintong medalya sa swimming sina Claire Calizo ng Aklan Women 200m freestyle S15 2:31.80, Richelle Melencio ng Pasig City sa Women 100m Butterfly S12-13 at Veronica Ferrer ng Pasig City sa Women 100m Butterfly S14.
Nagpakitang gilas din ang mga miyembro ng national team na sina Gary Bejino ng Quezon City sa Men 50m Butterfly S6 & S7 (34.18), Marco Tinamisan ng Quezon Province sa Men 100m Freestyle S1-S5 (1:52.39) at Ernie Gawilan ng Davao City sa Men 100mFreestyle S6 & S7 (1:10.84).
Samantala’y nagwagi ng ginto sa Chess Rapid Competition sa Men Visually Impaired B1 Individual si Kenneth Kamisato (4.5 points) habang sa Team sina Romeo De Luna at Arix Dungan ng Quezon City sa Team na may 8.5 puntos.
Wagi din sa Men Visually Impaired B2 Individual si Darry Bernardo para sa ginto habang sa Team event sina Allan Sallientes at Antonio Villanueva ng Cebu City.
Nagpapatuloy naman ang mga aksiyon sa siyam na pinaglalabanan na para-sports na binubuo ng archery, athletics, badminton, boccia, chess, powerlifting, swimming, table tennis at wheelchair basketball.JC