Home HOME BANNER STORY 350 tigok, P32-B wasak sa 23 bagyo sa 2025; 8 bagyo hahagupit...

350 tigok, P32-B wasak sa 23 bagyo sa 2025; 8 bagyo hahagupit sa unang 6 buwan ng 2026

334
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng state weather bureau na inaasahang dalawang hanggang walong tropical cyclone ang maaaring pumasok o mabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa unang kalahati ng 2026.

Ayon sa PAGASA, mula Enero hanggang Abril, inaasahang zero hanggang isang bagyo kada buwan, habang Mayo at Hunyo ay posibleng may isa o dalawang bagyo bawat buwan.

Gagamitin ng PAGASA ang bagong listahan ng pangalan ng bagyo sa 2026 kabilang dito ang: Ada, Basyang, Caloy, Domeng, Ester, Francisco, Gardo, Henry, Inday, Josie, Kiyapo, Luis, Maymay, Neneng, Obet, Pilandok, Queenie, Rosal, Samuel, Tomas, Umberto, Venus, Waldo, Yayang, at Zeny. Ang Ada, Francisco, Kiyapo, at Pilandok ay pumalit sa Agaton, Florita, Karding, at Paeng na na-retire matapos magdulot ng malawakang pinsala noong 2022.

Noong 2025, umabot sa 23 ang tropical cyclones sa bansa na nagdulot ng halos 350 nasawi at higit P32 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastruktura, ayon sa NDRRMC.

Sa klima, inaasahang panandalian lamang ang natitirang mahina na La Niña sa unang quarter ng 2026 bago mag-transition sa El Niño-Southern Oscillation (ENSO) neutral.

Sa ulan, inaasahan ang near to above-normal rainfall sa maraming bahagi ng bansa sa Enero, maliban sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon na posibleng may below-normal rains. Pebrero hanggang Abril ay near to above-normal sa Visayas at Mindanao, habang Luzon ay posibleng below to way below normal. Mayo at Hunyo ay near to above normal sa buong bansa.

Sa temperatura, inaasahan ang malamig sa mga kabundukan ng Luzon sa panahon ng Amihan, na aabot sa 7.5°C sa Enero at 9.2°C sa Pebrero.

Sa Metro Manila, minimum temperatures ay 17.4°C at 18.5°C. Sa paglipas ng panahon, maaaring umabot sa 40°C sa Abril, Mayo, at Hunyo sa Northern Luzon, kung saan Abril ang pinakamainit na buwan sa lowlands Luzon at Metro Manila, na may peak temperatures na 40.5°C at 39.1°C. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here