Home METRO 3 utas, 3 sugatan sa banggaan ng sasakyan vs truck sa SLEX

3 utas, 3 sugatan sa banggaan ng sasakyan vs truck sa SLEX

274
0

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang tatlo pa, kabilang ang isang limang taong gulang na bata, ang nasugatan matapos banggain ng isang truck ang sinasakyan nilang sedan sa northbound lane ng Alabang-Muntinlupa area ng South Luzon Expressway (SLEX) madaling-araw ng Martes, Disyembre 23.

Nasawi ang tatlong sakay ng sedan habang ginagamot naman sa ospital ang tatlo pa.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang driver ng truck.

“Nag-menor itong sedan at hindi na rin po nakapag-preno o nakapag-menor itong truck na ito,” pahayag ni PNP-HPG spokesperson Lt. Nadame Malang.

Sinabi rin ng pulisya na iniimbestigahan nila kung mabilis ang takbo ng truck nang mangyari ang insidente.

“Isa din ‘yan sa tinitignan din po na anggulo ng atin pong mga imbestigador. Gayong ‘yung impact talaga nitong truck sa mismo pong sedan, sobrang lala,” dagdag ni Malang.

Nasa pag-uusap na umano ang pamilya ng mga biktima at ang may-ari ng truck para sa posibleng areglo, ngunit iginiit ng PNP-HPG na mananagot pa rin ang driver, na maaaring kasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here