Home NATIONWIDE PBBM sa Kapaskuhan: Ingat sa taba, sa pagbiyahe, sa paputok

PBBM sa Kapaskuhan: Ingat sa taba, sa pagbiyahe, sa paputok

251
0

MANILA, Philippines Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na maging maingat sa pagkain at iwasan ang paputok ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon, sa pamamagitan ng kanyang Christmas 2025 vlog na inilabas nitong Martes.

“Sa pagkain, ’yung sakto lang po. Alam ninyo naman mataas ang mga kaso ng heart attack ngayong panahon dahil napaparami po ang kain natin ng taba,” paalala ng Pangulo. Pinayuhan din niya ang mga motorista na mag-ingat sa biyahe at umiwas sa paputok. “At siyempre mag-ingat sa mga paputok. Iwasan na natin ’yan. Doon na po tayo sa mga torotot at iba pang maingay na mga laruan,” dagdag niya.

Kasama sa vlog ang magaan at nakaaaliw na mga tanong mula sa netizens, tulad ng palitan ng regalo, dami ng pagkain sa potluck, at komento ng kamag-anak sa timbang.

Paalala ng Pangulo tungkol sa regalo: “Alalahanin mo ito naman kahit ano pa ang nabigay sa inyo, kahit mayroon ka na, ito ay galing sa puso nung nagbigay. Iyon ang alalahanin natin. Pero hindi naman dapat na masayang. Ipasa ninyo sa ibang tao na makikinabang doon sa magandang regalo na ’yun.”

Nagbiro rin si Marcos tungkol sa pagkain ng leche flan at lumpiang shanghai: “Basta’t nabubusog kayo, again, Pasko naman eh, dapat medyo mag-enjoy tayo. Huwag natin iniisip na kailangan magpigil sa ating kasiyahan. Kaya ulit ’yung mga maghahanda ng pagkain, dami-damihan na lang ninyo para may baon pa pauwi.”

Kasama rin ang First Lady Louise Araneta-Marcos sa vlog, na nagbahagi rin ng payo sa mga netizens. Tinapos ng Pangulo ang vlog sa pagbati ng mapayapang Kapaskuhan: “Merry Christmas! Happy New Year po.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here