MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 356 na kawani ng Port Management Office (PMO) Panay/Guimaras ang sumailalim sa drug testing katuwang ang Medicus Medical Center bilang bahagi ng pagpapatupad ng isang ligtas at drug-free na workplace.
Ayon sa PPA, isinagawa ang aktibidad alinsunod sa Philippine Ports Authority (PPA) Memorandum Order No. 004-2016 o ang Implementation of Drug-Free Workplace Policy.
Ito ay nagtatakda ng mahigpit na pagsunod sa mga panuntunan laban sa paggamit ng ilegal na droga sa hanay ng mga empleyado.
Dagdag pa, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng PMO Panay/Guimaras na mapanatili ang kalusugan at disiplina ng mga kawani sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden