Home NATIONWIDE 36 na areas of concern binabantayan ng Comelec sa eleksyon

36 na areas of concern binabantayan ng Comelec sa eleksyon

MANILA, Philippines – Nanatili pa rin sa 36 ang orihinal na bilang ng naitalang areas of concern, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia sa Meet The Manila Press forum, iyan pa rin ang listahan na hawak nila at wala pang ibinibigay ang Philippine National Police (PNP) na bagong update na maaaring mapabilang sa mga areas of concern.

Bagamat may namonitor aniya sa Zamboanga Sibugay, pulos-pulungan lang na pangyayari ito at hindi nakakaapekto sa katahimikan ng buong bayan.

Dagdag pa ni Garcia, walang masyadong nangyayari at tahimik ang paghahanda sa eleksyon 2025.

Sa ngayon, wala nang naitatalang untoward incidents na may kaugnayan sa halalang 2025. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)