Home NATIONWIDE Election exodus: 1.1M pasahero sa mga pantalan, inaasahan

Election exodus: 1.1M pasahero sa mga pantalan, inaasahan

0
Election exodus: 1.1M pasahero sa mga pantalan, inaasahan

MANILA, Philippines – Sa inilabas na situation report, sinabi ng Philippine Ports Authority na kabuuang 1,155,238 port passengers ang inaasahan na magtutungo sa PPA ports mula Mayo 9 hanggang 13 — ang pagtaas ng limang porsyento kumpara sa 1,100,227 maritime passengers noong 2022 elections.

Sa ngayon, naitala ng Port Management Office (PMO) Panay/Guimaras ang pinakamataas na bilang ng passenger traffic sa 182,359, kasunod ang PMO Batangas na may 110,125, PMO Bicol na may 94,543, PMO Mindoro na may 89,482, at PMO Bohol na may 77,619.

Partikular na iniulat ng PPA ang mahabang pila ng mga pasahero sa Matnog Port sa ilalim ng PMO Bicol mula noong Mayo 2, na may karagdagang mga barko na hiniling na dumaan sa rutang Matnog, Sorsogon – Allen, Northern Samar.

Tiniyak ng PPA ang suporta sa Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng pagbibigay ng port access at priority loading/unloading para sa election cargo at pakikipag-ugnayan sa shipping lines at port terminal operators upang matiyak ang wastong paghawak ng cargo.

Magbibigay din ang PPA ng logistical coordination at tulong sa Comelec, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police, lalo na sa mga isla at iba pang malalayong lugar.

Para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga maritime passengers, naka-standby din ang mga terminal personnel ng PPA sakaling magkaroon ng emerhensiya, habang prayoridad din ang seguridad ng kargamento. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here