Home METRO 36 sugatan sa pagbangga ng barko sa pantalan

36 sugatan sa pagbangga ng barko sa pantalan

MANILA, Philippines – Aksidenteng nabangga ng isang pampasaherong barko ang pantalan sa Zamboanga City, na nag-iwan ng 36 na pasahero na nasugatan noong Huwebes, ayon sa mga awtoridad.

Ito ay nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente na kinasangkutan ng MV Ciara Joie 2 sa karagatang sakop ng Pasio Del Mar, Zamboanga City.

Ang MV Ciara Joie 2, na may kapasidad ng pasahero na 266, ay nakaranas ng main engine shutdown, na nawalan ng kontrol sa crew.

Ayon sa PCG, tumama ang barko sa pantalan habang dumadaong sa B27 B Paniran Marginal Wharf.

Kalaunan ay binaha ng tubig dagat ang barko. May kabuuang 36 na pasahero ang nasugatan. Dalawa sa kanila ang dinala sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng lunas.

Umalis ang barko sa Isabela City, Basilan patungong Zamboanga City nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Coast Guard Station (CGS) Zamboanga, naghain ng marine protest ang master ng distressed vessel.

“It will not resume voyage until deemed seaworthy, as supported by MARINA’s certificate of seaworthiness,” sabi ni CGS Zamboanga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)