WALANG LABEL ang relasyon ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni VP Sara na sa ngayon ay hindi na sila nagkikita at nagkakausap ni Pangulong Marcos.
“Wala akong label sa relationship namin ngayon. Hindi na kami nagkikita at hindi na kami nagkausap,” ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam.
Aniya pa, posibleng sampahan siya ng impeachment complaint.
“Lagi namang pinag-uusapan among members of the House of Representatives ang impeachment, at naririnig din naman namin lagi yon base sa mga sinasabi ng mga kaibigan doon sa loob. Expected na natin yan dahil mainit nga ang pulitika ngayon dito sa ating bayan,” ang sinabi ni VP Sara.
Samantala, sinang-ayunan naman ni VP Sara ang itinutulak na panukala ni ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte na isailalim sa sa hair follicle drug test at confirmatory urine test ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno kabilang ang Pangulo.
“Panawagan siya ng mga tao. hindi lang ng mga kalaban, pati na rin ng kaalyado namin, dine-demand na rin siya. siyempre pag ganon na. pag ang tao na ang nagsasabi na dapat mong gawin ito tapos legitimate naman, reasonable naman ang kanilang demand,” ang Winika ni VP Sara.
Sa ulat, ayon sa House Bill 10744, dalawa ang ga¬gamiting paraan ng testing. Ang hair follicle drug test ang magsisilbing screening tests at ang urine drug test naman ang confirmatory test para sa mga magpopositibo sa unang test.
“Being at the forefront of public service with the mandate towards integrity and modesty, it is imperative that public officials and government employees should be the very first to uphold such Constitutional mandate by submitting themselves towards accountability measures that serve as a tool in addressing the fulfillment of this mandate,” sabi ni Duterte sa explanatory note ng panukala.
Batay sa HB 10744, ang drug test certificate ay magiging valid sa loob ng isang taon.
Ang random drug test ng mga elected at appointed officials sa gobyerno ay isasagawa kada anim na buwan. Kris Jose