Home NATIONWIDE 37 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon – PHIVOLCS

37 volcanic earthquakes naitala sa Kanlaon – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 37 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes, Mayo 27.

Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na ang mga volcanic earthquake ay naitala mula alas-12 ng hatinggabi ng Linggo hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.

Nagbuga rin ang bulkan ng 2,003 tonnes ng sulfur dioxide nitong Linggo.

Umabot naman sa 300 metro ang taas ng moderate emission ng plume mula sa bulkan.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang babala sa Bulkan. RNT/JGC