Home ENTERTAINMENT Chard at Barbie, spotted sa SoKor, magkasama!

Chard at Barbie, spotted sa SoKor, magkasama!

Seoul, South Korea – Huli kayo!

Ganito ang linyang maaaring ibulalas makaraang i-post ng isang netizen sa Facebook nitong May 26 ang magkabukod na larawan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa isang shopping district sa South Korea.

Magkasama pero hindi maaaring kunan together ang dalawang Kapamilya stars sa Myeong-dong.

Nagkataong nakilala sila ng isang netizen.

The netizen who spotted Richard and Barbie happened to be Bicolana na bale kababayan ng aktres.

Ayon sa kanya, nais din ssna niyang magpa-selfie kay Richard with Barbie pero bawal daw.

Tanging si Barbie lang daw ang magiliw na nagpaunlak at nakipagkuwentuhan pa.

Kasama ng netizen ang ina na purong Bicolana, na ikinatuwa naman daw ni Barbie.

Hindi ‘yon ang unang sighting kina Richard at Barbie sa pampublikong lugar.

Kung matatandaan, January 6 ng taong kasalukuyan nang spotted din sila sa isang gastropub sa Westgate, Alabang sa Muntinlupa City.

Pero chance encounter lang daw ‘yon, ayon kay Barbie na nagkataong naroon nang dumating ang grupo ni Richard.

Ito ‘yung panahong pumutok ang balitang nagkakaproblema bilang mag-asawa sina Richard at Sarah Lahbati.

Nasa korte na ang usapin partikular sa kustodiya ng kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Ayon kay Sarah, maayos naman daw ang kanilang napagkasunduang co-parenting setup.

Similarly, spotted din si Sarah sa Hongkong with a foreigner sa isang resto.

Depensa ni Sarah, wala naman daw masagwa sa tagpong ‘yon na nakunan din ng netizen dahil single siya.

Sa ngayon, balitang nasa proseso ang pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Richard.

Back to the netizen who spotted Richard and Barbie, ipinaubaya nito sa publiko ang paglalagay ng caption sa mga nakunan niyang larawan sa Myeong-dong. Ronnie Carrasco IiI