Home METRO 373 Pinoy na nasagip sa Tarlac POGO pinalaya

373 Pinoy na nasagip sa Tarlac POGO pinalaya

MANILA, Philippines- May kabuuang 373 Filipino workers na nasagip mula sa Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Tarlac ang pinakawalan, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Biyernes.

“Based on the recommendation of the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD), 373 Filipinos who were rescued from the Sun Yuan Technology Inc. in Bamban, Tarlac were released at around 11 p.m. last March 14,” pahayag ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz.

Ani Cruz, sumailalim lahat sa kinakailangang panayam at trauma assessment na isinagawa ng DSWD.

Samantala, kinailangang manatili ng siyam pang Pilipino, dahil sila ang tatayong mga testigo.

Kakasuhan naman ang isa pang Filipino sa kanyang partisipasyon bilang opisyal ng kompanya.

Sinalakay ng PAOCC, Philippine National Police at ng Armed of the Philippines Northern Luzon Command ang POGO facility bandang ala-1:30 ng madaling araw nitong March 13, dala ang dalawang search warrants na inilabas ng Bulacan court.

Bukod sa Filipino workers, nasaklolohan din ng mga awtoridad ang mahigit 500 foreign workers.

Nasabat sa operasyon ang dose-dosenang mobile phones na ginagamit umano sa scam transactions, “love scam” modus scripts at iba’t ibang baril. RNT/SA

Previous articleEARIST dumepensa sa viral video ng ‘sapilitang’ pagpapagupit sa buhok ng transgender stude
Next articleElijah at Miles, nagkabalikan?