Home NATIONWIDE EARIST dumepensa sa viral video ng ‘sapilitang’ pagpapagupit sa buhok ng transgender...

EARIST dumepensa sa viral video ng ‘sapilitang’ pagpapagupit sa buhok ng transgender stude

MANILA, Philippines- Nanindigan ang Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) nitong Biyernes na pinapayagan lahat ng estudyante nitong mag-enroll anuman ang kanilang kasarian at itsura.

“All students were, and are allowed to enroll for the second semester… regardless of gender and particularly of how they wear/manage their hair, provided that those with long hair have them properly fixed or tied,” giit ng EARIST Office of the President.

Inihayag ito ng EARIST kasunod ng viral video ng isang transgender student na pwersahan umanong ipinagupit ang buhok bago siya payagang mag-enroll. 

Binatikos naman ng netizens ang video, na pinost ng LGBT group Bahaghari.

Subalit, ayon sa EARIST, ang nasabing videos “are unverified.”

Nagsagawa rin ng kilos-protesta ang mga estudyante at mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa harap ng unibersidad nitong Biyernes, ayon sa ulat.

Giit ng mga estudyante, mapanupil ang nasabing polisiya, habang sinabi naman ng Bahaghari na malinaw na paglabag ito sa kanilang karapatan.

Anang EARIST, nakipagpulong ang Vice President for Academic Affairs, kasama ang mga direktor at college deans, sa Bahaghari EARIST chapter president at mga kinatawan nito noong March 12.

“The same meeting ended with the agreement that the parties shall convene again to discuss the possibility of a new set of implementing rules and regulations concerning the enrollment,” pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Popoy De Vera na iniimbestigahan na ang insidente.

“Ang patakaran kasi tungkol sa students, yung kanilang hair cut, uniform, etc., ‘yan ay ginagawa ng indibidwal na mga pamantasan. Walang kwan diyan, walang CHED rules, kasi bahagi yan ng kanilang exercise of their kwan, administration of higher education,” pahayag niya.

“Pagaralan ang compliance nila sa mga batas na naipasa tulad ng mga batas na pinagbabawal ang diskriminasyon, batas sa space safes. Kailangan ang kanilang mga patakaran sa mga pamantasan ay angkop o consistent doon sa mga batas na kailangan i-implement ng lahat,” ayon pa kay De Vera. RNT/SA

Previous article4 Pinoy na sangkot sa large-scale marriage fraud sa US sinintensyahan na
Next article373 Pinoy na nasagip sa Tarlac POGO pinalaya