Home METRO 378 solar streetlights, ipinakabit sa Malabon

378 solar streetlights, ipinakabit sa Malabon

May kabuuang 378 na yunit ng hybrid solar streetlights ang naipakabit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

Ani Mayor Jeannie Sandoval, isinagawa ang proyekto ito upang mapabuti ang kaligtasan at kaginhawaan sa mga kalsada.

“Hindi lamang ito nagbibigay ng dagdag na seguridad, kundi ito rin ay sustainable at cost-efficient. Bahagi ito ng ating layuning gawing ligtas, maginhawa, at eco-friendly ang Malabon,” anang alkalde.

Maliban dito, nakiisa sa ginanap na National Children’s Month Celebration kasama ang mga guro at mag-aaral ng Early Childcare Development dito po sa Malabon Amphitheater ang mayora, kung saan naghandog ang lungsod ng mga laruan at flat screen TV sa lahat ng classroom.

Bumisita rin si Sandoval sa Sto. Rosario Parish upang makiisa sa Harana Para Kay Sta. Cecilia kasama ang Banda 4 Malabon. Merly Iral