Home METRO Foreman pinala sa ulo ng tauhan

Foreman pinala sa ulo ng tauhan

GINAGAMOT ngayon ang isang foreman ng isang construction company nang hatawin ng pala sa ulo ng kanyang tauhan matapos ang mainitang pagtatalo sa Noveleta, Cavite.

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Edward’ habang ang suspek ay si alyas’Melencio’ na hawak na ng Noveleta police.

Sa ulat ni PSSG Ahvegail D Darang ng Noveleta MPS dakong ala-1:40 ng hapon ng naganap ang insidente sa TIP Brgy San Rafael III, Noveleta Cavite kung saan nagmamando umano ang biktima sa kanyang mga tauhan bilang Foreman sa nasabing construction site.

Pumalag umano ang suspek sa utos ng biktima na nagresulta sa mainitang pagtatalo.

Upang hindi na humaba pa ang kanilang pagtatalo sy tinalikuran siya ng biktima at umalis subalit sinundan siya ng suspek at yung hawak ng pala at hinataw ng sunod sunod sa ulo.

Isinugod sa ospital ang biktima habang ang suspek ay tumakas pero sa isinagawang follow up operation ng pulisya ay naaresto ang suspek. Margie Bautista

Previous articlePinoy captain, 13 pa na sapul ng Russian missile attack nakauwi na ng Pinas
Next article378 solar streetlights, ipinakabit sa Malabon