Home HOME BANNER STORY Pinoy captain, 13 pa na sapul ng Russian missile attack nakauwi na...

Pinoy captain, 13 pa na sapul ng Russian missile attack nakauwi na ng Pinas

MANILA — Nakauwi na sa Pilipinas ngayong Sabado, Disyembre 2, ang kapitang Pinoy at ang iba pang 13 tripulante na na-trauma matapos masabugan ng Russian missile ang kanilang barko sa Black Sea.

Ang ilan sa kanila ay nagtamo ng minor injuries, kabilang si Arnel Lopez, ang kapitan ng barko, na malapit sa Ukrainian pilot na napatay sa missile attack.

“Nagdidikit nga po kami sa puerto. ‘Yung piloto po, inassist-an ako. Tapos may biglang sumabog. Namatay po siya, tinamaan po siya,” ani Lopez.

“Natakot po syempre. Sa mukha po (nagkasugat) gawa po ng mga nabasag na bubog. Tapos medyo masakit po ‘yung likod ko, tapos medyo nabingi po ako,” dagdag pa ni Lopez.

Hindi pa nakaka-move on ang Second Officer na si Jovanny Perez mula sa pagkabigla nang makitang tumama ang missile sa kanilang sasakyang-dagat.

“Panawagan na lang po namin na makahingi kami ng konting tulong po sa inyo kasi marami po sa amin is under contract pa po. And then, ‘yung mga papapasok pa po na mga seafarer na Pilipino, kung pupuwede rin po maiwasan na bumiyahe sa ganitong war zone area,” pakiusap ni Perez.

Ang mga marino ay malugod na tinanggap ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at nakatanggap ng tulong pinansyal. RNT

Previous articlePaglalabas ng AICS guarantee letters sa mga Pinoy na nasa krisis sinuspinde ng DSWD
Next articleForeman pinala sa ulo ng tauhan