Home NATIONWIDE Paglalabas ng AICS guarantee letters sa mga Pinoy na nasa krisis sinuspinde...

Paglalabas ng AICS guarantee letters sa mga Pinoy na nasa krisis sinuspinde ng DSWD

PANSAMANTALANG ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng guarantee letters para sa mga benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na simula Disyembre 7 hanggang katapusan ng taon ay ipatutupad ang suspensyon.

Mabibigyan nito ng daan ang taunang liquidation activities bilang bahagi ng fiscal obligation ng departamento, alinsunod sa direktiba ng Department of Budget and Management’s (DBM).

Ang guarantee letter ay nagsisilbing “assurance” sa service provider na babayaran ng gobyerno ang serbisyong nakuha ng benepisaryo, itinuturing bilang “vulnerable, disadvantaged, o dili kaya’y nasa crisis situation.”

Kabilang sa service providers ang mga ospital, funeral homes, at iba pang providers na handang tumanggap ng guarantee letters na ipinalalabas ng DSWD para sa kabayaran ng serbisyo.

Ang AICS program ay nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, o financial assistance para sa ibang support services o pangangailangan ng isang tao o pamilya.

Ang halaga ng tulong sa pamamagitan ng guarantee letters, para dagdagan ang halaga ng hospitalization, medicines, burial, at iba pa ay mula P10,000 hanggang P150,000.

Tinuran ni Lopez na ang pagpapalabas ng guarantee letters ay magpapatuloy sa Enero 2024.

“Ibibigay lang ang guarantee letter sa mga ospital o punerarya na tumatanggap ng guarantee letter,” ayon kay Lopez.

“Karamihan ng malalaking ospital sa Metro Manila ay tumatanggap ng guarantee letter,” dagdag na wika nito.

At habang suspendido ang pagpapalabas ng guarantee letters, sinabi ni Lopez na nananatli namang available ang outright cash assistance para sa mga kuwalipikadong benepisaryo.

Base sa pigura na iniulat sa DSWD website, ang AICS program ay nagamit ng 1,867,563 benepisaryo “as of the first half of 2024.”

Noong nakaraang taon, ang bilang ng mga benepisaryo ng AICS ay umabot sa 5,336,381, lumagpas sa kabuuang target na 432.17%.

Samantala, ang mga recipients ay nasa category ng “family head and other needy adult (FHONA); women in especially difficult circumstances (WEDC); children in need of special protection (CNSP); senior citizens (SC); persons living with HIV-AIDS (PLHIV); persons with disability (PWD); at youth in need of special protection (YNSP). ” Kris Jose

Previous articleBong Go kampeon ng senior citizens
Next articlePinoy captain, 13 pa na sapul ng Russian missile attack nakauwi na ng Pinas