Home NATIONWIDE Bong Go kampeon ng senior citizens

Bong Go kampeon ng senior citizens

Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng ugnayan at pagkakaisa para sa pagtataguyod ng kapakanan ng senior citizens.

Sa kanyang talumpati sa 2nd National Commission of Senior Citizens (NCSC)-National Capital Region Stakeholders’ Summit, itinampok ni Go ang kanyang pangako sa pagpapahusay ng kalidad ng buhay at pagpapaunlad ng komunidad para sa mga matatanda.

“Your theme resonates deeply with the values we hold. It is essential that we work together for the unity and progress of our senior citizens, ” ani Go na binigyang puri ang tema ng summit na, “Ugnayan para sa Pagkakaisa; Pag-unlad Tungo sa Mahalagang Pag-usad.”

Sa pagmumuni-muni sa kanyang mga personal na koneksyon, ibinahagi ni Go ang mga alaala ng kanyang lola na idiniin ang malalim na ugnayan at paggalang na taglay niya para sa mga matatanda.

“Malapit po ako sa lola ko noon. Pinapasyal niya po ako dito sa Manila kahit taga-Davao kami. Hindi ko po malilimutan ang lola ko,” ani Go na itinampok ang mahalagang papel ng nakatatanda sa pamilya at komunidad.

Idiin ng senador na mahalaga na laging bukas ang komunikasyon ng gobyerno at ng mga organisasyon at tiniyak ni Go na sila (senior citizens) ay pinapakinggan at pinahahalagahan.

Anang senador, ang Republic Act 11350, na lumikha sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) ay naisabatas noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga senior citizen, kasama siya sa nag-akda ng RA 11916, isang batas na nag-increase sa Social Pension of Indigent Senior Citizens, o nag-amyendahan sa RA 7432, ang unang Senior Citizens Act.

Ang amyendang ito ay isang hakbang pasulong sa pagtiyak ng mas magandang kalidad ng buhay para sa senior citizen.
“Nandiyan na ang batas. Dapat ma-implementa ito nang maayos para mapakinabangan ng taumbayan lalo na ng mga matatanda na sakop nito. Ibigay dapat ang nararapat sa kanila at huwag patagalin pa,” ani Go

Kasama rin siya nag-akda at nag-sponsor ng Senate Bill No. (SBN) 2028 na pangunahing itinataguyod ni Senator Imee Marcos.

Ang panukalang batas ay layong bigyan ng karagdagang suporta ang indibidwal na aabot sa 80 at 90 ang edad.

“Nasa kultura na nating mga Pilipino na alagaan ang ating mga nakakatanda. Dapat natin silang suportahan at bigyan ng pagkilala. Habang kaya pang pakinabangan at ma-enjoy ng senior citizen ang cash gift, ibigay na natin sa kanila,” sabi ni Go. RNT