Home NATIONWIDE Pagpapalabas ng tubig ng Angat tuloy pa rin

Pagpapalabas ng tubig ng Angat tuloy pa rin

MANILA, Philippines – NAGPATULOY sa pagpapalabas ng tubig ang Angat Dam sa ikalawang sunod na araw nitong Biyernes sa downstream river system nito matapos lumampas ang taas ng tubig nito sa normal na taas na 212 metro.

Ayon kay Josephine Salazar, National Irrigation Administration-Central Luzon director, na ang elevation ng tubig noong alas 11:00 ng umaga ng Biyernes ay nasa 212.78 meters o 0.78 meters above its normal high level.

Sinabi pa ng NIA ang Angat Dam ay naglalabas ng tubig sa 61.5 cubic meters per second sa river system na dumadaan sa Ipo Dam at Bustos Dam.

Ang Bustos Dam ang responsable sa suplay ng irigasyon sa mga palayan sa Bulacan at ilang bahagi ng Pampanga.

“Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa Angat River sa panahon ng spilling operations,” sabi ni Col. Manuel Lukban (ret.), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief, sa isang pahayag.

Aniya, ang labis na tubig mula sa Angat Dam na dumadaloy sa Ipo Dam at pagkatapos ay ang Bustos Dam ay idinidischarge sa Manila Bay. Santi Celario

Previous articleP120-B kailangan ng PHIVOLCS sa pagmonitor ng lahat ng aktibong bulkan – Senado
Next articleBong Go kampeon ng senior citizens