Home NATIONWIDE P120-B kailangan ng PHIVOLCS sa pagmonitor ng lahat ng aktibong bulkan –...

P120-B kailangan ng PHIVOLCS sa pagmonitor ng lahat ng aktibong bulkan – Senado

MANILA, Philippines – Kailangan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng kabuuang ₱120 billion para sa multi-year modernization program upang mamonitor ang lahat ng aktibong bulksan sa buong bansa.

Natuklasan ito sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on science and technology na pinamumunuan ni Senador Alan Peter Cayetano kamakailan hinggil sa kalagayan ng ahensiya.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa ngayon, aabot lamang sa 10 mula sa 24 aktibong bulkan sa buong bansa ang kayang manmanman ng ahensiya sanhi ng kakapusan ng pondong pambili ng modernong kagamitan at bagong teknolohiya.

Sa puntong ito, inihayag ni Cayetano ang buong suporta sa modernisasyon ng PHIVOLCS upang palakasin ang hazard mapping at pagbuo ng mas magandang imprastraktura

“Only two have complete monitoring systems,” ayon kay Bacolcol na tumutukoy saTaal Volcano sa Batangas at Mayon Volcano sa Albay.

Aniya, aabot sa P5 bilyon ang halaga ng isang kagamitan at kailangan kumalap ng mas maraming eksperto ang ahensiya.

“All in all, “it would be ₱24 billion per year,” for the five-year modernization plan, ayon naman kay Trisha Baraan, acting director n Department of Budget and Management-Budget Information Legislative Service.

Kaya’t naitanong ni Cayetano kung puwedeng mangyari sa panukala, na ayon kay Baraan, depende ito sa prayoridad ng National Economic and Development Authority.

Ayon kay Cayetano, puwedeng pahabain ang timeline kung talagang gustong umunlad ang sistema sa PhiVolcs.

“I just don’t want na we pass a specific five-year (plan) and we don’t give you the money… Mukhang mas feasible ang P15 billion a year at seven years ,” ayon kay Cayetano.

Kasabay nito, inihayag din ni Cayetano ang suporta sa modernisasyon ng ahensiya partikular sa pagpapalakas ng hazard mapping ng bansa na tutulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pumili ng mas magandang lokasyon upang gumawa ng kailanganing imprastraktura.

“Hazard mapping (will) aid everyone doing construction, including… where to build and not to build new roads, where not to put more cisterns, where to fix everything,” sabi ni Cayetano habang pinapangunahan ang pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology sa PHIVOLCS Modernization Act noong December 1, 2023.

Sumang-ayon si Bacolcol sa pananaw ni Cayetano at nasabi nitong na kahit hindi kumpleto ang impormasyon, ginagamit na nglokal na pamahalaan ang hazard maps ng bansa sa comprehensive land use program.

Dagdag niya na humihiling rin ang DPWH ng impormasyon sa lokasyon ng fault at kung saan itatayo ang tangke.

Sinabi ni Cayetano na ang pagkumpleto ng hazard map ng bansa ay makatutulong sa pamahalaan sa programang pang-imprastraktura. Binanggit niya na ang DPWH budget para sa imprastraktura ay tumalon mula P700 bilyon hanggang P1 trilyon sa nakaraang taon.

“Out of the P1 trillion sa DPWH budget ay P250 billion ay flood control. But if you spend P30-40 billion budget on hazard mapping that informs where not to build (and) which river to protect, you may not need P250 billion in flood control in the future,” aniya.

Sinabi ni Cayetano na bagama’t hindi siya nagdududa sa layunin ng DPWH na magtayo ng malalaking imprastraktura, dapat gamitin ng gobyerno ang agham na makukuha mula sa DOST at hindi maging reaksyonaryo lamang sa pagtatayo ng mga proyekto.

“We (seem to be) neglecting science. Reaction lang kasi after reaction ang paggawa [ng daan], at tinatabunan lang ang maling gawa sa isa,” wika ng senador.

Hinimok ni Cayetano ang gobyerno na bigyan ng tamang suporta at budget ang DOST dahil sa huli ay makakatipid ito ng pera para sa bansa.

“If you have a guide to build the infrastructure and save money, why not?” aniya. Ernie Reyes

Previous articleLider ng ‘Bayawak Gang’ utas
Next articlePagpapalabas ng tubig ng Angat tuloy pa rin