Home METRO Mga progresibong grupo, nanawagan ng agarang pagpapalaya sa mga naarestong raliyista

Mga progresibong grupo, nanawagan ng agarang pagpapalaya sa mga naarestong raliyista

2
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng mga progresibong grupo sa harap ng Manila Police District (MPD) headquarters upang ipanawagan ang agarang pagpapalaya sa kanilang mga kasamahang inaresto sa kasagsagan ng mga protesta kasabay ng 49th ASEAN Summit.

Ayon kay Makabayan Chairperson Liza Maza, alas-10 pa ng umaga naroon ang kanilang grupo sa MPD ngunit hindi nila alam kung bakit matagal bago mapalaya ang kanilang mga kasamahan.

Sinabi naman ni Kilusang Mayo Uno National Chairperson Jerome Adonis na mananatili sila sa lugar at hihintayin ang paglabas ng mga naarestong raliyista.

Nilinaw ni MPD spokesperson Police Major Philipp Ines na nasa korte na ang desisyon kung kailan mapapalaya ang mga inarestong demonstrador dahil wala na ito sa hurisdiksyon ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here