MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng unang araw ng kampanya para sa May 12, 2025 elections, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) sa Meet the Press ng National Press Club (NPC) nitong Martes, Pebrero 11 na 38 lugar sa Mindanao ang inilagay na sa kanilang areas of concern.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, binabantayan ang mga lugar na ito dahil sa tunggalian sa pulitika.
Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na hindi naman ibig sabihin nito na ilalagay na sa Comelec control ang naturang mga lugar dahil hindi pa nagsisimula ang local campaign.
Sa panig naman ng PNP, sinabi ni Police Major General Roderick Alva, Director ng Police Community Relations ng PNP, nakatutok na sila sa mga lugar na nasa ilalim ng area of concern.
Tinututukan na rin ng PNP ang isang armed group sa Region 1 na una nang nalansag nila noong Pebrero 7.
Samantala, nasa mahigit 1,800 na mga pulis ang inilipat na ng kanilang assignment dahil may mga kamag-anak na kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden