Home NATIONWIDE 38% ng Pinoys, positibong papaldo sa buhay sa sunod na 12 buwan

38% ng Pinoys, positibong papaldo sa buhay sa sunod na 12 buwan

81
0

MANILA, Philippines — Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 38% ng mga Pilipinong may edad 18 pataas ang naniniwalang bubuti ang kanilang kalidad ng buhay sa susunod na 12 buwan.

Sinabi ng SWS na ang 38% ay tinaguriang “optimists,” habang 32% ang naniniwalang mananatili ang kanilang sitwasyon, 16% o “pessimists” ang inaasahang lalala ang kalidad ng buhay, at 14% ang walang sagot.

Dahil dito, umabot sa +23 ang net personal optimism (optimists minus pessimists), na inuri ng SWS bilang “high,” mula sa “very high” +36 noong Nobyembre 2025.

“The 13-point decline in the national Net Personal Optimism score between November 2025 and March 2026 was due to decreases in all areas except in the Visayas,” ayon sa SWS.

Sa datos, bumaba ang antas ng optimism sa Metro Manila mula +36 patungong +28, at sa Mindanao mula +35 patungong +20. Nanatiling “high” ang Visayas sa +27, mula +29.

Ayon pa sa SWS, bumaba ang kabuuang antas mula “excellent” +40 tungo sa +22.

Isinagawa ang non-commissioned survey mula Marso 24 hanggang 31, 2026, kung saan 1,500 adult respondents ang kinapanayam face-to-face: tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at 600 sa Balance Luzon.

Ang sampling error margin ay ±3% para sa national figures, ±6% para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4% para sa Balance Luzon.

Sa naunang survey ng SWS, 50% ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 26% ang nagsabing nanatili itong pareho. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here