Home METRO 38 wanted arestado sa Calabarzon sa “Huli Week”

38 wanted arestado sa Calabarzon sa “Huli Week”

104
0

LAGUNA, Philippines – Aabot sa 38 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 4-A (PRO 4-A) sa CALABARZON region mula Black Saturday hanggang Easter Sunday, sa ilalim ng kanilang “Huli Week” campaign.

Ayon kay PRO 4-A Director Brig. Gen. Hansel M. Marantan, kabilang sa mga naaresto ang 23 most wanted persons at 15 iba pang wanted individuals.

Layunin ng kampanya, ayon sa pulisya, na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng paghahanap at pag-aresto sa mga may nakabinbing warrant of arrest, lalo na sa panahon ng mga mahahalagang okasyon gaya ng Holy Week.

Hinimok din ng opisyal ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon na makatutulong sa paghuli sa mga wanted na indibidwal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here