Home IN PHOTOS 381 Navoteño solo parents nakatanggap ng monthly cash subsidy

381 Navoteño solo parents nakatanggap ng monthly cash subsidy

Larawan kuha ni Jojo Rabulan

MANILA, Philippines- Nasa 381 Navoteño solo parents ang nakatanggap ng kanilang monthly cash subsidy para sa mga buwan ng Enero-Marso 2024.

Alinsunod sa Ordinansang Panlungsod Blg. 2023-40, ang mga kwalipikadong solo parents na mayroong valid Solo Parent ID mula sa CSWDO at kumikita ng minimum o below minimum wage ay makatatanggap ng P1,000 kada buwan.

Kaya naman hinikayat ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang solo parents ng Navotas na magparehistro sa city social welfare office para maging kwalipikado sa programa at maglalaan ng sapat na pondo para makapagbigay ng buwanang subsidy sa 500 benepisyaryo. Jojo Rabulan