Home NATIONWIDE $385M arms sale sa Taiwan, inaprubahan ng US

$385M arms sale sa Taiwan, inaprubahan ng US

TAIWAN – Inaprubahan ng U.S. State Department ang posibleng pagbebenta ng spare parts ng F-16 jets at radars sa Taiwan na nagkakahalaga ng $385 million, sinabi ng Pentagon nitong Biyernes, Nobyembre 29.

Ang Estados Unidos ay inaatasan ng batas na magbigay ng pamamaraan sa Taiwan para depensahan nito ang sariling bansa sa kabila ng kakulangan ng formal diplomatic ties sa pagitan ng Washington at Taipei.

Ikinagagalit ng Beijing ang mga ganitong hakbang.

Sinabi ng Defense Security Cooperation Agency ng pentagon na ang pagbebenta ay binubuo ng $320 million sa spare parts at support para sa F-16 fighters at Active Electronically Scanned Array Radars at mga kaugnay na kagamitan.

Inaprubahan ng State Department ang potential sale sa Taiwan ng improved mobile subscriber equipment at suporta para sa tinatayang $65 million.

Ang principal contractor para sa $65 million sale ay ang General Dynamics.

Inaasahan na ang pagbebenta nito ay eepekto ngayong buwan kung saan makatutulong ang kagamitan para mapanatili ang kahandaan ng F-16 fleet at “build up a credible defense force”.

“Taiwan and the United States will continue to strengthen their security partnership and work together to maintain peace and stability in the Taiwan Strait and the Indo-Pacific region,” saad sa pahayag ng defense ministry ng Taiwan.

Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng Estados Unidos ang potensyal na $2 billion arms sale package sa Taiwan, kabilang ang paghahatid ng kauna-unahan sa bansa na advanced air defense missile system battle na sinubukan sa Ukraine. RNT/JGC