MANILA, Philippines – Nakarating na ng ligtas ang 39 overseas Filipino workers (OFWs) at isang bata mula Israel.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kahapon ang mga OFWs sakay ng Etihad Airlines flight EY424.
Sinabi ng DMW na ang mga OFWs ay boluntaryong tinanggap ang government repatriation program sa pamamagitan ng joint efforts ng DMW, DFA, at OWWA.
Makakatanggap agad sila ng financial assistance na halagang P75,000 bawat Isa mula DMW AKSYON Fund at iba pang uri ng suporta mula sa gobyerno.
Ang nasabing batch ay binubuo ng 38 caregivers at Isang hotel worker.
Sa ngayon, 1,147 OFWs na ang naibalik ng gobyerno mula noong sumiklab ang sigalot ng Israel-Hamas noong unang bahagi ng Oktubre 2023.
Sa mga ito, 850 ang umuwi mula sa Israel, 289 mula sa Lebanon, anim mula sa West Bank, at dalawa mula sa Gaza. Jocelyn Tabangcura-Domenden